Bagong force commander ng 2nd IPMFC, tiniyak ang seguridad ng publiko laban sa insurhensiya

Tiniyak ng bagong talagang Force Commander ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company ang seguridad ng publiko sa kanilang nasasakupan sa banta ng mga nasa makakaliwang Pangkat.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLtCol Dennis Pamor, ang kauna-unahang responsibilidad ng 2nd IPMFC ay ang paglaban sa insurhensiya sa lalawigan ng Isabela sa ilalim ng Executive Order 70 NTF-ELCAC at tumulong sa hanay ng kapulisan at iba pang law enforcement operations.

Aniya, ang mga lugar na nasasakupan ng kanilang hanay ay ang Isabela South o mula sa Reina Mercedes-Luna-Ramon at nasasakupan ng Reina Mercedes-Cordon hanggang Dinapigue.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa ngayon aniya ay tinitignan na ng kanilang hanay ang mga barangay partikular sa San Guilermo, San Agustin at Echague, Isabela na labis na nangangailangan ng presensiya ng kasundaluhan, kapulisan at tulong mula sa gobyerno.

Ayon pa kay PLtCol. Pamor, ang target na barangay ay mabibigyan rin ng community support program ng 2nd IPMFC katuwang ang 86th IB, LGU at iba pang stakeholders.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Hinikayat din nito ang suporta ng publiko sa mga otoridad laban sa insurhensiya at nagpaalalang huwag suportahan ang makakaliwang pangkat upang tuluyan na itong mabuwag.

Ilan rin sa puntirya umano ng kanilang hanay ay tukuyin ang mga lugar na itinuturing na safe havens ng mga rebelde upang maipaabot rito ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Tiniyak naman nito ang tapat na serbisyo at nararamdamang presensya ng kasundaluhan at kapulisan upang masiguro ang seguridad ng mamamayan.