PHO Sorsogon iginiit na hindi nahuhuli ang lalawigan ng Sorsogon sa Covid-19 vaccination

SORSOGON CITY – Binigyang diin ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO) na hindi nahuhuli ang lalawigan sa vaccination roll out.

Ayon kay Dr. Renato Bolo Jr., hindi nahuhuli ang lalawigan sa pagbabakuna bagkus ay sumusunod lamang sila sa guidelines na ipinalabas ng Department of Health (DOH) sa mga prayoridad na mabakunahan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Paglilinaw pa nito na hindi maaring maikumpara ang lalawigan ng Sorsogon sa ibang lalawigan ng Bicol tulad ng Albay dahil nasa high risk ang kategorya ng Albay.

Paliwanag pa ni Bolo na kabilang sa nasabing kategorya lamang kasi na nasa high risk area o mataas ang kaso ng Covid-19 ang tanging pinahihintulutan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magbakuna sa A4 category.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Maliban pa rito, kakaunti rin ang mga bakuna na bumababa sa lalawigan kung kaya depensa nito, papaano sila makakapagbakuna ng maramihan kung halos nasa 2K hanggang 4K lamang ng bakuna ang kanilang natatanggap mula sa DOH.