Bagong Alyansang Makabayan, patuloy ang panawagan sa pagtutol sa Cha-cha

Ikinasa na ng ilang mga grupo “Black Friday protest,” dalawang araw bago ang ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Mong Palatino, sinabi nitong tinawag nilang “Black Friday” ang protesta dahil nais nilang ipabatid ang kanilang pagtutol sa Charter change.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Aniya, magandang timing ang panahon na ito para ipanawagan ang kanilang apela.

Kaninag umaga nagkaroon na umano ng pagkilos ang ilang grupo gaya ng mga kababaihan, mga guro, mga magsasaka, at mga estudyante.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Paliwanag ni Palatino, isinisigaw ng iba’t ibang grupo na nagtipon ang kanilang panawagan sa mga lider at mambabatas na unahin ang tunay na problema sa Pilipinas.