DOJ, naglabas ng 2 alert list order laban kay Teves

Naglabas ang Department of Justice ng dalawang alert list orders laban sa pinatalsik na Kongresistang si Arnolfo Teves Jr. sa pamamagitan ng Bureau of Immigration.

Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla, na inisyu ang mga alert list order para higpitan ang paggalaw ni Teves at mapadali ang pag-aresto sa kaniyang sa pamamagitan cooperation.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Ang mga utos ay alinsunod sa court warrant na may petsang Setyembre 5, 2023 at Interpol blue notice na inilathala noong Pebrero 19, 2024.

Inaatasan ang mga officer ng BI na i-report ang anumang impormasyon kaugnay sa pagpasok at paglabas ni Teves sa bansa at i-refer siya sa Philippine National Police o National Bureau of Investigation kung makita siya saanmang port of entry.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Giit pa ni Remulla na hindi matatakas ni Teves ang batas at kasong isinampa laban sa kanya.