KORONADAL CITY – SUPORTADO ni Association of Barangay Captains o ABC President Marvin Ian Gumbao ng Koronadal ang ipinapatupad na Barangay, Purok and Sitio Empowerment o BPSEP Program sa lungsod.
Ayon kay Gumbao, bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlungsod ng Koronadal, kaniya umanong isusulong ang pagdagdag ng nilalaman ng ordinansa na mapabilang ang Economic Empowerment dahil backbone at maging multiplier ito sa lungsod lalo na sa BPSEP.
Sa pamamagitan ng Economic Empowerment, mas tututukan pa sa Koronadal ang mga programa para sa ekonomiya upang mas mapapaibayo pa ang negosyo sa lungsod. Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Gumbao, nanindigan ito na kaniyang tutukan at susuportahan ang nasabing programa bilang presidente ng Liga ng Barangay.
Inihayag nito, na kung empowered ang mga purok at sitio kabilang na ang ekonomiya ng lungsod, ito ay susunod sa buong lungsod. Dagdag nito, na target niya rin ang, “Makabagong ABC” kung saan pinapangarap ni Gumbao na magkaisa at mag-unite ang mga kapitan sa lungsod. Samantala, naniniwala ito na kung magkakaisa ang lahat, mas makakakonekta pa sa mga pribado at pampubliko na mga organisasyon.
