PAOCC – hindi na nagtataka sa bali-balitang may alok na P1B si Guo para lang makalusot sa kaso

Binigyang-diin ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Usec. Gilbert Cruz na ‘payak’ lang naman para kina dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na mag-offer ng malaking halaga ng pera para makalusot ito sa mga ipinupukol na isyu.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ito ay kasunod ng sinabi ni dating Senador Panfilo Lacson na nag-alok si Guo ng P1B para tulungan ito sa kanyang mga kaso.

Ayon kay Cruz, hindi na sila nagtataka dito.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Ang mahalaga aniya kasi kina Guo ay makalusot sa kaso lalo pa’t ngayon lang nangyari sa kanila ma-freeze ang properties at accounts; at nabuko na rin ang mga taong may koneksyon sa kanila.