Babaeng principal, sugatan sa pamamaril

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa Midsayap, North Cotabato matapos ang nangyaring pamamaril sa Principal na kinilalang si Aurora Bayog Ledda, 51-anyos, Teacher- III at OIC Principal sa Kapinpilan High School nitong nakaraang araw.

Sa imbestigasyon ng Midsayap Municipal Police Station, dalawang guro ang papuntang paaralan, angkas nito ang nasabing principal. Iilang metro nalang ang layo sa paaralan, lumapit ang motorsiklong nakasunod sa kanila sakay ang dalawang lalaki at binaril si Leda.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Nagtamo ng tama ng bala si Leda habang sugatan rin ang nagmamaneho ng motor na kanilang sinakyan na si Alyas Cora matapos sila matumba.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang isang basiyo ng fired cartridge ng caliber- 45 pistol, agad itong isinumite sa Provincial Forensic Unit, Kidapawan City para sa Ballistic Examination.