Babaeng naaagnas, nakita sa masukal na bahagi ng ilog

Natagpuang wala ng buhay ang isang hindi pa nakikilalang babae sa ilog ng Reform Vill, Brgy. Calumpang, Gensan alas kwatro ng hapon nitong Agosto 18.

Sa pagresponde ng kapulisan, nakasuot ito ng maong short pants at brown t-shirt nang nakita.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mayroon rin itong tattoo sa bewang at may taas na 5’3.

Ayon sa ginawang pagsusuri ng SOCO, nakita ang berde na grocery bag, masking tape at nylon ropes na nakatali sa leeg at paa ng biktima.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pinaniniwalaang pinatay ito sa bahay dahil may floormat, bed sheet blanket at dalawang t-shirt na natagpuan sa crime scene.

Sa ngayon, patuloy ang pag-iimbestiga ng kapulisan hinggil sa ikinamatay nito.