Babaeng hinihinalang incorporator ni Guo itinanggi ang alegasyon laban sa kanya

Itinangging ni Merly Joy Manalo Castro na co-incorporator siya ng Hongsheng Gaming Technology Inc., ang POGO na iniuugnay kay suspended Mayor Alice Guo.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, lumapit sa kanyang tanggapan si Castro matapos malamang kasama siya sa kinasuhan ng Department of Justice noong Biyernes kasama si Guo.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Sinabi nito na wala siyang alam tungkol sa Hongsheng at kung bakit siya pinapatawag sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa iligal na operasyon ng POGO sa Bamban Tarlac.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Giit din ni Castro na tatlong lang ang kilala niya na nasa listahan ng mga co-incorporator ng Hongsheng. Isa ay nagbebenta ng gulay, ang isa ay nagtitinda ng almusal habang ang isa ay nagbebenta ng chicken barbeque.