Magsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police hinggil sa umano’y presensya ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics sa Pasig City.
Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr.

Mababatid na sinabi ni Abalos na mayroong nakarating sa kanyang impormasyon kaugnay sa presensya ng SWAT team mula sa Batangas sa isang soft launching ng isang networking company.
Ayon kay Abalos batay sa mga litrato ay nakauniporme pa ang mga SWAT at bitbit pa nila ang kanilang mga baril.
Hindi din aniya malinaw kung anong klaseng event ito at kung bakit kinakailangan ng presensya ng SWAT sa lugar.