Babaeng dinukot ang anak ng kaniyang live-in partner noong 2015, arestado

Arestado ang isang babaeng inereklamong dumukot sa anak ng live-in partner nito noong March 1, 2015 at kinilala bilang Top 8 Most Wanted Person-Regional Level sa isinagawang operasyon ng otoridad sa Cabisera 27 San Antonio, City of Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang suspek na si Teresa Domingo Villanueva, 51 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Daldalayap, Caranglan, Nueva Ecija.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Naaresto si Villanueva matapos ang 6 na taong pagtatago sa isinagawang operasyon ng Ilagan City Police Station, Provincial Intelligence Unit, Isabela Police Provincial Offfice at Carranglan Police Station.

Ito ay sa bisa ng mandamiento de aresto na inilabas ni Hukom Anarica Castillo-Reyes ng RTC Branch 88, Third Judicial Region, Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija noong 2016 para sa kasong paglabag sa Art. 267 ng RPC (Kidnapping and Serious Illegal Detention) na walang kaukulang piyansa na isinampa laban sa kanya ni Carmelita Barba ang ina ng ka live-in nito.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Ilagan City Police Station si Villanueva para sa karagdagang dokumenstayon bago ipasakamay sa court of origin.