𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗧𝗨𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗦 Timbog ang isang Street Level Individual na itinago sa alyas na Mitch sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-Bust operation ng mga kapulisan kahapon sa Brgy. Diamantina Cabatuan, Isabela.
Dinakip ito ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 2 at mga kasapi ng Cabatuan Police Station. Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang piraso ng nakaselyong pakete ng hinihinalang shabu; Isa (1) pang piraso ng nakaselyong pakete ng hinihinalang shabu (possession); Tatlong (3) piraso ng genuine Php500.00;at iba pa.
Dinala ang naaresto sa himpilan ng pulisya at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kaniya.