Iligal na pinutol na kahoy, nasabat sa Alcala Cagayan

𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗢𝗬, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗖𝗔𝗟𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 Nadakip sa isang check-point sa bayan ng Alcala, Cagayan ang isang lalaki dahil sa pag-iingat ng hindi dokumentadong kahoy.

Naharang ng mga alagad ng batas ang isang Isuzu Forward Truck na may sakay na iligal na pinutol na kahoy.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Naglalaman ito ng 1,549 board feet na nagkakahalaga ng P77,450.00. Walang maipakitang dokumento ang drayber na si alyas Vincent, 31-anyos, binata, at residente ng Baggao, Cagayan kaya agad itong inaresto.

Read More:  Teen allegedly killed by stepfather after separation in Cebu

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Revised Forestry Reform Code of the Philippines o PD 705.