Proyektong patubig inumpisahan na sa Lobo, Batangas

Batangas City – Inuumpisahan na ang proyektong Solar Water Irrigation System na proyekto ng Regional Agricultural Engineering sa Barangay Fabrica, Lobo, Batangas.

Katuwang ng proyektong ito ang lokal na pamahalaan ng Lobo, Batangas na naglalayong matugunan ang problema pagdating sa patubig ng mga magsasaka.

Kabilang sa makikinabang dito ang Fabrica-Poblacion Irrigators Association na samahan ng mga magsasaka sa naturang bayan.

Samantala, sa pamamagitan ng Solar Power Irrigation System malaki ang maititipid ng mga magsasaka at mababawasan din nito ang kanilang gastos pagdating sa patubig sa mga sakahan.