Babae, patay matapos mabagsakan ng malaking bato sa Atimonan, Quezon

Binawian ng buhay ang isang babae matapos itong mabagsakan ng bato mula sa tinitibag na bundok sa Barangay Sokol, Atimonan, Quezon.

Ayon sa police report, tumawag umano ang operator sa helper upang i-clear ang nasabing lugar subalit hindi umalis ang biktima at nanatili sa duyan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa gitna ng operasyon, isang malaking bato ang nahulog patungo sa direksyon ng biktima na nagresulta sa matitinding pinsala nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa sa hospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay kalaunan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Napag-alaman na wala umanong safety officer sa lugar habang isinasagawa ang operasyon at natuklasan din na 14 na taong mag-live in partner ang backhoe operator at ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.