Bataan isinailalim sa State of Calamity dahil sa pananalasa ng bagyo

Isinailalim sa State of Calamity ang Bataan dahil sa mga pinsalang dulot ng patuloy na pag-ulan at malakas na hanging bunsod ng habagat na dala ng bagyong Egay at pinatindi pa ng Falcon.

Sa ulat ng Provincial Government, tinatayang nasa mahigit 22-million ang napinsala sa sektor ng agrikultura kabilang dito ang mga nasirang pananim na palay, mais, high value crops at pangisdaan.

Sa huling ulat ng PDRRMO, mahigit animnaraang pamilya ang mga nasa evacuation sites.

Ang pagdedeklara ng State of Calamity ay sa bisa ng ng Sangguniang Panlalawigan Resolusyon No. 321.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Metro Bataan Development Authority

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *