CAMARINES NORTE- Natagpuang wala ng buhay at naliligo sa kanyang sariling dugo ang isang 23 anyos na babae sa loob ng kanyang tahanan bandang alas 2:00 ng umaga nitong Oktubre 12, 2021 sa Purok 1 Brgy. Poblacion, Sta Elena Camarines Norte.
Ang biktima ay nakilalang si ANNA CARMELA SOTERIO y Latigay, 23 taong gulang, at residente ng Purok 1 Brgy Poblacion, Sta Elena Camarines Norte.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 7:40 ng umaga nitong Oktubre 12, 2021 nang makatanggap ng impormasyon ang himpilan ng Sta.Elena MPS mula sa pinsan ng biktima na nagsasabing natagpuang patay ang kanyang pinsan sa sarili nitong bahay.
Ayon dito, nakita umano ng kapatid ng biktima na nakahandusay na ito at wala ng buhay.
Diumano, ang biktima ay wala ng suot na underwear at may mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Agad na nagtungo ang kapulisan ng Sta.Elena MPS upang tiyakin ang nasabing impormasyon at nakipag-ugnayan sa SOCO upang iproseso ang pinangyarihan ng krimen.
Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy and suspek sa karumal-dumal na krimen.

