“Kapag may pagkakataon na yumaman ka, ano ang una mong ipaparetoke?”
Marahil na-encounter mo na rin ang partikular na tanong na ‘yan pero paano kung sabihin sa’yo na isang babae na nagpa-lift ng kaniyang puwet sa bansang Italia sa Roma ang tumakas matapos matangap ang operasyon, maniniwala ka ba?
Isang araw bago ang araw ng mga puso, isang 38-anyos na female patient kase ang sumailalim sa kaparehong operasyon at tumakas kahit sariwa pa ang sugat nito at nakakabit pa ang drains dito, aparatong ikinakabit para saluhin ang fluids na lalabas sa operated area.
Naiwan nya ang kanyang hospital bill na aabot sa higit isang milyon.
Ayon sa report na inilabas ng clinic, ang bill ng babae ay nagkakahalaga ng 20,000 euros o 1.2 million pesos. Nakapag-deposit daw ito ng PHP60,000 kaya nangagahulugang tinakbuhan niya ang 1.1 million na balanse.
Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang nasabing babae na nakita umano ng attending nurse na sumakay sa isang kotse umaga ng Pebrero katorse matapos ang operasyon.
Sinabi na lang ng doktor na baka hahabol ang babae para sa kanilang bakbakan sa valentine’s day ng nobyo nito. ### JEREMY LESNIANA