SP Zubiri: magiging transparent ang Senado sa pagtalakay sa Charter Change

Tiniyak ni Senate President Migz Zubiri na idadaan nila sa tamang proseso at gagawin nilang transparent ang pagtalakay sa Charter Change (Cha Cha) sa Senado.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ito ay matapos ipagkatiwala ng Pangulo ang proseso ng pag-amyenda nito sa kanila.

Ayon kay Zubiri, tanging economic provision lang din ang kanilang pag-uusapan at aamyendahan upang maiwasan ang anumang kontrobersya.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Maalala, muling binigyang-diin nitong mga nakaraang araw ni Pangulong Bongbong Marcos na ang Senado ang kanyang inatasang manguna para rito.