Babae na na-coma sa loob ng 31 taon dahil sa car crash sa Italy, pumanaw na

Pumanaw na ang isang babae na na-coma ng mahigit tatlong dekada dahil sa car crash sa Italy.

Iniulat ng mga Italian media outlets , na namatay dahil sa cardiac arrest si Miriam Visintin matapos nang malagaim na aksidenteng kinasangkutan niya noong Bisperas ng pasko noong 1991 sa Italya.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Nanatili naman sa kanyang tabi ang asawang si Angelo Farina habang siya ay na-coma sa loob ng 31 taon hanggang sa siya ay malagutan ng hininga sa ospital.

Nagpalitan ng “I do’s” sina Angelo at Miriam noong Hunyo 1990, isang taon lamang bago nangyari ang malagim na aksidente.

Read More:  California Governor commutes death sentences of 548 inmates on death row

Humanga naman ang marami sa asawa ni Miriam na sa kabila ng trahedya at kinahinantnan ng buhay ng kanyang asawa ay pinakita niya ang pagmamahala sa napakatagal na panahon.//CA