Babae na may taas na 7’4 sa China naghahanap ng boyfriend

Sa residente ng Heilongjiang province sa China, usap-usapan ang magandang babae na si Xiao Mai pero no boyfriend since birth pa rin sa edad na 25 years old.

Hindi pihikan sa boys si Xiao. Nagkataon lang na hindi pa niya nakikita ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso.

Sa ngayon ay wala pa syang nakikitang magpapakilig sa kanya at paglalaanan niya ng kanyang matamis na oo.

Kaya sya iniiwasan ng mga potential admirers nya dahil sa pambihirang asset na maituturing na kapintasan ang pagiging tall girl.

Napakatangkad ni Xiao, na may sukat na seven feet and four inches (7’ 4”) o 2.26 meters.

Kung tutuusin, mas matangkad siya sa tallest living woman ng Guiness World Records na si Rumeysa Gelgi, na ang height ay 7 feet 0.7 inches tall sa edad na 27. Si Rumeysa ay taga-Turkiye.

Samantala, kapag may lumalapit na lalaki kay Xiao, ay nagmumukang bansot kapag tumabi sa dalaga.

Hindi rin nakakatulong ang societal norm na lalaki ang kadalasang ay mas matangkad kaysa sa jowang babae. (BRIGADA NEWS INTERN-HANNAH MAGNAYE)