Babae, binaril- patay sa bayan ng Sofronio Española

Patay ang isang babae matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek/ mga suspek sa Purok Tagumpay, Bgy. Panitian , Sofronio Española Palawan.

Sa inisyal na impormasyon mula kay kagawad Franci Tejano, tinatayang bago mag-alas otso kagabi, July 6, 2022 binaril ang babae sa harap ng tindahan.

Read More:  Gunman arrested after shooting near school in Cebu City

Dagdag ni kagawad, bibili lang sana ng softdrinks ang babae nang ito ay barilin na tinamaan umano sa likod at bandang balikat.

Kinilala ng Española PNP ang nasawi na si Angelica “Izang” Musa 28 anyos, housewife na nakatira sa Barangay Panitian, Sofronio Española.

Read More:  15-year-old drowns while searching for lost cellphone for P1,000 reward in Cebu

Ayon sa Española PNP, di umano ay riding in tandem ang suspek.

Samantala, patuloy na  nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya sa mga suspek.