Ayuda sa mga magsasaka sa Batangas at Cavite, matagumpay na nipamigay ng NIA

Batangas City – Tagumpay na naipamahagi ng National Irrigation Administration Cavite-Batangas Irrigation Management Office o IMO ang unang tranche ng cash payments para sa mga benepisyaryo ng Rice Contract Farming ng Balayungan at Kay-Alye River Irrigation Systems.

Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan pakikipagtulunngan sa Cavite Farmers Irrigators Agriculture Cooperative.

Nakinabang dito ang tatlumpong magsasaka na sumasaklaw sa isang kinontratang lugar na aabot sa limampung ektaryang palayan sa lalawigan ng Cavite.

Samantala, sa pamumuno ni Engr. Edwin Nazareno at ni NIA IV-4 Regional Manager Engr. Roberto Dela Cruz, hinirang ang NIA Cavite-Batangas na isa sa pinakamagagaling na Irrigation Management Offices sa buong bansa.