𝗕𝗘𝗔𝗨𝗧𝗬 𝗤𝗨𝗘𝗘𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗜𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝟭𝗦𝗧 𝗥𝗨𝗡𝗡𝗘𝗥 𝗨𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗦 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗤𝗨𝗘𝗘𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗𝗪𝗜𝗗𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟯

Itinanghal si Ms. Philippines Rachel Bayan na tubong Alicia, Isabela bilang First Runner Up sa katatapos na Miss Tourism Queen Worldwide 2023 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Dala rin ng beauty queen sa kaniyang paglipad sa Thailand ang “Dyesebel ng Perlas ng Silangan” costume na gawa ni Michael Barassi na hinirang din na Best in National Costume.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa Question and Answer, sinabi naman ni Bayan na ang pamantayan ng kagandahan ay hindi lamang nasusukat sa panlabas na kaanyuhan.

Naniniwala aniya siya na nagmumula ito sa puso, sa kaluluwa, at sa isip. Ito rin ay makikita sa kung paano ka magbibigay ng marka sa ibang tao, at ‘yan ang pinakamagandang bagay na pwede nating makita.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Suot naman ni Bayan ang evening gown na gawa ni Vinze Asuncion sa Coronation Night na inilarawan ng Team One Alicia na ito ang siyang kumakatawan sa bawat indibidwal lalo na ang mga Alicianos na mayroong ginintuang puso na katulad ng isang balitok o ginto.