Awareness lecture tungkol sa VAWC law, isinagawa ng Legazpi CPS dahil sa dumaraming kaso nito sa Albay

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng awareness lecture ang Legazpi City Police Station tungkol sa Violence Against Women and Children (VAWC) Law dahil sa dumaraming kaso nito sa lalawigan ng Albay.

Nilahukan ito ng 50 mga indibidwa; na binubuo ng mga opisyal ng barangay at kababaihan ng Bgry. 44 Pawa ng nasabing lunsod.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Tinalakay dito ang tungkol sa nasabing batas at ang mga gawaing maaaring magdulot ng pisikal, sikolohikal, o sekswal na pang-aabuso kabilang ang mga banta ng panggagahasa, pambubugbog, pamimilit, pangha-harass, o ‘di makatwirang pagkakait sa kalayaan ng kahit sinong babae o bata.

Kasama rin sa tinalakay ang RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan sa mga pangunahing karapatan ng kababaihan at upang pigilan ang diskriminasyon at sexual harassment sa bawat organisasyon sa lalawigan.