LEGAZPI CITY – Muling inilunsad ng Daraga Municipal Police Station ang proyektong ‘Knights of the Night’ na isang community service-oriented policing program.
Ayon kay Chief of Police Lt. Col. Carl Joseph Jaucian, layunin nitong makapagtatag ng mas malakas at sistematikong pakikipagtulungan sa pagitan ng Philippine National Police (PNP), Public Safety Office (PSO), mga barangay tanod, Liga ng mga Barangay at ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na bayan.
Dagdag pa niya, sa ilalim nito ay magkakaroon ng refreshment ng mga best practices ang bawat kasaping miyembero.
Matatandaang inilunsad na ito noong nakaraang taon ngunit hindi ito naging aktibo dahil sa pandemya.