AVP ng anti-criminality at anti-illegal drugs, libreng ipapalabas sa sinehan.

Aprubado na ng Sangguniang panlungsod ng Batangas ang libreng pagpapalabas sa sinehan ng audio-visual presentation patungkol sa anti-criminality at anti-illegal drugs.

Ang nasabing hakbang ay naglalayong magbigay kaalaman sa mamamayan upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa lungsod.

Siniguro naman ng chairman ng Committee on Peace, Councilor Hamilton Blanco at ang Order and Public Safety na si Councilor Armando Lazarte, na pasado sa technical criteria ng SM Batangas ang ipapalabas na AVP sa publiko.

Nakatakda itong ipalabas ang naturang AVP bago magsimula ang film screening at iuupdate kada anim na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *