Wala pa ring ebidensiya na makapagsasabi na nakakaapekto sa kalusugan ng isang tao ang mga liquified natural gas o LNG plant sa Batangas City.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng Department of Health o DOH CALABARZON, inihayag ni Non-Communicable Disease Cluster Head Dra. Marie Beatrix G. Duzon, hanggang sa ngayon ay wala pa ring datos na nagsasabing sa LNG nakukuha ang respitory illnesses na nararanasan ng mga residente sa lugar.
Aniya, pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng mga season o panahon na nakakaranas ang tao ng respiratory symptoms.
Nabatid na sa pagtungo ng Brigada Batangas sa lugar kung saan malapit ang LNG plant, maging ang nga residente, hindi sila sigurado kung may epekto ba ito sa kanilang kalusugan.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang ginagawang survey ng rehiyon para magkaroon ng iba pang datos.