Availment ng Lifeline Rate Discount pinalawig ng Canoreco

CAMARINES NORTE – Pinalawig ng gobyerno ang availment period ng lifeline rate discount para makapag bigay ng diskwento sa mga qualified marginalized end user.

Kaugnay nito ay hinimok ng Camarines Norte Electric Cooperative ang mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s beneficiaries maging ang non- 4P’s na mag- apply ng discount.

Batay sa Implementing Rules and Regulation ng Republic Act 11552 at ayon na rin sa itinakda ng Energy Regulatory Commission na consumption threshold para sa Canoreco, maaring mabigyan ng subsidiya sa kuryente ang kumukunsomo ng hindi lalagpas sa 20kwh kada buwan.

Sa tala ng Department of Energy mayroong 4. 2 milyon household beneficiaries ang 4P’s sa buong bansa na pwedeng makinabang ng subsidiya.

Kabilang naman sa requirements para sa mga marginalized end user na kumikita ng mas mababa sa poverty threshold na itinatakda ng Philippine Statistics ay ang certification mula sa local social welfare and development office, application form, latest power bill at government issued ID n angalalaman ng pirma at address ng nag apply.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *