Bilang ng mga apektadong pamilya sa Lambak Cagayan dahil sa Bagyong CarinaPH – umabot pa sa 55

Umabot na sa 55 pamilya o katumbas ng 195 na indibidwal ang naaapektuhan sa buong Lambak ng Cagayan dahil sa Bagyong Carina.

Sa pinakahuling datos ng DSWD Region 2, tanging ang walong barangay sa Lalawigan ng Cagayan ang apektado kung saan 30 pamilya na o nasa 96 na indibidwal ang kasalukuyang namamalagi sa mga Evacuation Centers habang 20 pamilya o 79 na katao ang nagpasyang manatili sa mga kaanak.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Wala namang naitala na mga bahay na nasira sa nabanggit na lugar.

Samantala, maaari pa ring dumaan ang mga motorista sa mga pangunahing kalsada sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya base sa road monitoring update na ibinahagi ng Nueva Vizcaya DRRMO

Bagaman passable, limitado naman ang access sa Nueva Vizcaya-Pangasinan Road sa Brgy. Imugan, Sta. Fe matapos pansamantalang isinara ng DPWH ang kalahating lane ng kalsada dahil sa nangyaring landslide kagabi.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Kaugnay nito, sa Cauayan City naman sa Lalawigan ng Isabela, nagkansela na ng Ilang flights ang Cauayan City Airport kabilang na ang Flight 5J196 (Manila to Cauayan) at Flight 5J197 (Cauayan to Manila) dahil na rin sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Carina. (with reports from VINCENT ESPEDILLA – 92.9 BNFM CAUAYAN CITY)