SORSOGON CITY – Opisyal nang binuksan ngayong araw, Marso 4 ang ATV at Zipline adventure sa Irosin Lake.
Ginanap ang blessings at opening ceremony kaninang umaga.
May tatlong ATV Units at may habang 180 meters naman an haba ng Zipline.
Bagama’t opisyal nang magbubukas ay asahan umano ang patuloy pa rin na pagpapaganda at pagsasaayos ng nasabing pasilidad sa pangunguna ng Municipal Tourism Office, upang higit itong maging kaaya -aya sa mga dadayo at susubok sa nasabing atraksyon.
Una rito, ang nasabing ATV at Zipline adventure ang maituturing na pinaka-una sa probinsya ng Sorsogon.
PHOTO: ctto
