3-7-20 policy inoobserba ng ARTA ngayong linggo

SORSOGON CITY – Sinimulan na noong araw ng Lunes ng Anti Red Tape Authority (ARTA) ang selebrasyon ng 3-7-20 day.

Sa pahayag sa Brigada News Sorsogon ni ARTA Director General Secretary Jeremiah Belgica, sinabi nito na ang nasabing aktibidad ay bilang paggunita sa nasasaad sa batas, na ang mga simpleng transaksyon ay dapat iproseso sa loob ng tatlong araw, kumplikadong mga transaksyon sa pitong araw, at mga highly technical transactions sa loob ng 20 araw.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kaugnay nito, lahat ng ahensya ng gobyerno ay inaatasan na magpatupad ng Zero Backlog Program na nakasaad sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ito ay bilang pagsulong ng kanilang responsibilidad upang makapagbigay ng mabilis, mahusay, maginhawa, at maaasahang serbisyo.

Ang isang linggong 3-7-20 event ay may temang “Zero Backlog Policy, Paigtingin! 3-7-20, Laging Sundin!’’