Athleta sa Bulgaria, nanatili sa loob ng hawla para makalikom ng pera na gagamitin niyang pangsugpo sa mga kabataang nalulong sa iba’t ibang bagay

Isang marathon runner sa Bulgaria ang kamakailan nanatili ng 15 araw sa isang hawla na gawa sa salamin upang makalikom ng pera para sa mga kabataang nakararanas ng adiksyon o pagkalulong sa iba’t ibang bagay.

Ginawa ito ni Krasse Gueorguiev nang sa ganun ay magsilbi na rin pagsubok sa kung anong magiging epekto nito sa kaniyang mental health.

Itinayo ang nasabing hawla sa harapan ng National Palace of Culture sa Sofia, Bulgaria kung saan natatanging kama at threadmill lamang ang nasa loob na gamit nito.

Matapos ang 15 araw nagtagumpay nga si Krasse sa kaniyang challenge at gagamitin niya ang kaniyang kinita mula sa stunt para sa ilang proyekto na naglalayong pigilan nga ang pagkagumon ng mga kabataang menor.

Hindi rin lamang umano ito tumutukoy para sa droga at alak kun’di umaasa rin ang mananakbo na tulungan ang mga kabataan na maiwasan ang pagkalulong sa mga bagay tulad ng social media at mga energy drink.|WL