‘Ate’ ng napatay na middleman sa Lapid slay case may kinantang mga pangalan – DOJ

Nagbigay na ng mga pangalan ang ‘Ate’ ng namatay na middleman sa Percy Lapid slay case.

Kinumpirma ni Justice spokesperson Mico Clavano na ang kapatid ni Jun Villamor ay naglatag na ng ilang mga personalidad na maaaring makatulong sa pagtukoy sa mastermind ng krimen.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Sa ngayon, vine-verify na umano ang mga impormasyong nagmula sa kapatid ni Villamor para malaman kung relevent ba ito sa kaso.

Matatandaaang dumulog kamakalawa ang ‘Ate’ ni Jun Villamor sa magkapatid na Senador Raffy Tulfo at

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Dinala naman ito sa kustodiya ng DOJ para isailalim sa witness protection program.

Una nang sinabi ng kapatid ng middleman na mayroon umanong tatlong mga personalidad na pinangalanan sa kanya bago ito mamatay.