Inihayag ng Department of Health na malapit nang maiturok ang lahat ng Astrazeneca vaccines na nakatakdang magpaso sa katapusan ng Hunyo.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje halos wala na silang maiturok na ang expiration ay June 30.
Una nang naglabas ng guidelines ang DOH na unahing gamitin ang mga bakunang magpapaso ngayong buwan.
Samantala nasa 500,000 AstraZeneca shots na may shelf life na July 31 ang inilaan ng gobyerno bilang second dose sa mga unang naturakan ng bakuna.
Hinimok naman ni Cabotaje ang mga local government units na simulan ang mobile vaccination efforts sa kanilang komunidad upang maabot ang iba pang senior citizens na hindi nakakapunta sa vaccination sites.