16 na panibagong kaso at 31 recoveries sa COVID-19 naitala sa Camarines Norte nitong weekend

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 16 na panibagong kaso at 31 recoveries ang lalawigan ng Camarines Norte nitong weekend

Sa ipinalabas na Case bulletin report ng DOH Bicol, nitong sabado naitala ang panibagong 16 na kaso sa mga bayan ng Daet na 6, naitala naman ang 4 na panibagong kaso mula sa bayan ng Mercedes, 2 sa San Vicente habang may tig-isang kaso mula sa bayan ng Labo at Basud

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kahapon naiulat rin ang karagdagang 2 panibagong kaso mula sa bayan ng Daet

Kasabay naman ng mga panibagong kaso na naitala ay may 31 pasyente na tuluyan ng nakarekober sa sakit

Sa kasalukuyan ang Camarines Norte ay may kabuuang bilang na 597 at mula sa naturang bilang 203 ang aktibong kaso, umakyat na sa 364 ang bilang ng mga nakarkeober at nananatili naman sa 30 ang bilang ng mga nasawi sa sakit

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan