Assets ni Guo – pinapa-freeze sa AMLC

Naniniwala si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na importanteng mapangalagaan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang integridad ng pampublikong pondo, matiyak ang pananagutan, at maisulong ang transparency dito.

Ito ay sa gitna ng mga kamakailang alegasyon at maging ebidensyang lumilitaw laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Alinsunod nito, iminungkahi ng senador sa AMLC ang pag-iisyu ng kautusan upang i-freeze lahat ng assets ni Guo.

Anya, mahalaga ang hakbang na ito upang maiwasan ang pagbebenta sa di umano’y mga illegal na nakuhang mga ari-arian na maaring sumailalim sa imbestigasyon.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Dagdag pa niya, sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng masusing imbestigasyon upang malaman ang katotohanan sa likod ng kaliwa’t kanan na akusasyon sa nabanggit na alkade na sangkot umano ito sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operation sa Bamban, Tarlac.