ASF vaccine vaccination, kasado na sa Biyernes

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na tuloy na sa Biyernes ang bakunahan ng mga baboy kontra African Swine Fever (ASF).

Ayon kay (DA) Spokesperson Assiatant Secretary Arnel de Mesa, inaasahang matutuloy na ang turukan, at posibleng magsimula sa 2,000 doses ang conrolled ASF vaccination sa mga hog raiser at commercial farm sa Batangas.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Ang vaccination ng mga baboy ay tututukan umano ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Food and Drug Administration (FDA).

Sa sandaling maging matagumpay ang bakunahang ito, itutuloy na rin ito sa Quezon at iba pang mga lugar na apektado na ng ASF.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Samantala, nagbabala ang ahensya sa mga nag-aalaga ng baboy na nagbabalak na magpabakuna kahit na hindi pa ito aprubado ng gobyerno.