Abugadong pinagnotaryohan ni Alice Guo – iimbestigahan na ng DOJ

Iimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang abugadong pinag-notaryohan ng counter-affidavit ni Alice Guo kahit hindi ito personal na nanumpa.

Ayon kay Justice Spokesperson Mico Clavano, hindi tama ang ginawang proseso ng naturang abugado.

Read More:  Political analyst says Baste Duterte could be ‘Plan B’ for 2028

Ni hindi nga umano ito sigurado kung si Alice Guo nga ba talaga ang humarap sa kanya.

Ani Clavano, may gagawin ang DOJ kaugnay sa notarial authority na baka na-misuse at na-abuso ang kanyang kapangyarihan bilang isang notaryo.

Read More:  Gracioso challenges Sara Duterte, Ex-Speaker Velasco to lie detector test

Mababatid na nanotaryo ang dokumento noong August 14, kung kailan nakalabas na umano si Guo ng bansa.