Arroyo, itinanggi ang anumang ouster plot vs Romualdez

Itinanggi ni ex-president at demoted deputy speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang anumang ouster plot laban kay Speaker Martin Romualdez.

Binasag ni Arroyo ang pananahimik ngayong gabi matapos maglabas ng pahayag at iginiit na hindi siya naghahangad na maging speaker.

Read More:  Marcos laughs off Sara Duterte’s claim that administration is blocking 2028 elections

Inamin ni Arroyo na una niyang hinangad ang pagiging speaker, ngunit binitawan niya ang ambisyong iyon nang malaman niyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay pinsan ni Romualdez.

Read More:  Gracioso allegations may be included in Vice President Sara Duterte impeachment case if proven — House prosecution

Naglabas ng paglilinaw ang mambabatas dahil posible aniyang napagkamalan  ang kanyang katatapos lamang na biyahe sa Korea  kung saan kasama ang ilang kongresista bilang pagtatangka at pagpaplano ng kudeta laban kay Romualdez.//CA