Armas ng Pilipinas – kinuha ng China; sundalong Pinoy, kumpirmadong naputulan ng daliri

Nag-demand ang Armed Forces of the Philippines sa China na ibalik ang mga disassmembled na armas at equipment ng mga sundalong Pinoy habang pinipigilan ang resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin shoal noong June 17.

Sa pulong balitaan sa Western Command sa Palawan, pinababayaran din ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa China ang mga sinira nitong rigid hulled inflatable boats ng Philippine Navy.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Ginamit umano ng Chinese Coast Guard sa pagsira at pagbutas sa RHIB ng Navy ang bolo, sibat at kutsilyo habang pinipigilan ang operasyon ng militar sa BRP Sierra Madre.

Sabi ni Gen. Brawner, ito ang unang pagkakataon na nakitang nagdala ng bladed weapons ang CCG.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Binigyan-diin ng opisyal na isa ng uri ng pamimirata ang ginagawang ito ng China.

Ginawaran din ng Wounded Personnel Award si SEAMAN 1ST CLASS Under Water Op. JEFFREY S. FACUNDO na naputulan ng hinlalaking daliri sa kamay nang magpang-abot sila ng Chinese Coast Guard habang nasa rotation at resupply mission sa Ayungin shoal.