Armas at kagamitang pandigma ng NPA, nahukay

SORSOGON CITY – Dalawang mataas na kalibre ng baril, mga magazine at mahigit walong libong bala ang nasamsam ng militar sa isang arms cache ng NPA sa Brgy Calpi, Bulan, Sorsogon.

Ayon sa ulat, ang mga kagamitang pandigma ay nakalagay sa dalawang asul na drum na nakabaon sa lupa.

Kinabibilangan ito ng dalawang M16 rifle; 8, 190 na bala para sa M16; 48 magazine para sa M16 rifle at 19 na magazine para sa M14 rifle.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Hindi naman binanggit sa ulat kung paano natuklasan ang nasabing imbakan ng armas subalit sa natanggap na impormasyon ng Brigada News, ang pagkatuklas ay galing umano sa suplong ng mga dating rebelde na sumurender sa pamahalaan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Una rito, dalawang magkasunod na engkwentro ang sumiklab sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebelde noong Abril 7 sa Brgy Bunga at Brgy Taromata sa bayan ng Bulan.

Nagresulta ang nasabing engkwentro sa pagkakakumpiska ng tatlong anti-personnel mine (APM), isang blasting cap, 77 metro ng wire at isang watawat ng NPA.