Arestado sa buy-bust operation ang tatlong drug suspect sa Cabuyao City.

Timbog ang tatlong umano’y tulak sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy Banay-Banay, Cabuyao City, Laguna.

Kinilala Laguna Police Provincial Office ang tatlong suspek na sina alyas Jay at alyas Moe na tubong Cabuyao City, at alyas Jez na residente ng Calamba City.

Read More:  107 residents evacuate after Taal volcano eruption triggers ashfall in Batangas

Nakumpiska ­­­­­­­­­­­­­sa mga suspek ang anim na pirasong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 9.3 grams na nagkakahalaga ng humigit kumulang P63,240, isang cellphone at P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Cabuyao CPS ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.