Arestado sa isang man-hunt operation ang most wanted person ng CALABARZON sa kasong rape at lascivious conduct.

Arestado sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad ang lalaking itinuturing na regional level most wanted person sa Calamba City, Laguna.

Ayon sa Laguna Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si alyas Papa Jing na residente sa Brgy. Lingga sa naturang lungsod.

Hunyo a-28 ng hapon nang ikasa ng Calamba Component City Police Station ang manhunt operation at matagumpay na nadakip ang suspek.

Nahaharap siya sa kasong statutory rape na walang inirerekomendang piyansa, bukod pa ang anim na bilang ng lascivious conduct sa ilalim ng section 5 ng RA 7610 na may piyansa namang P180,000 bawat isa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang naturang akusado.