Arestado ang limang indibidwal sa illegal na pangingisda sa Nasugbu, Batangas.

Arestado ang limang indibidwal matapos mahuling nagsasagawa ng ilegal na pangingisda sa Brgy. Papaya, Nasugbu, Batangas.

Ayon sa Nasugbu Municipal Police Station madaling araw noong Sabado nang  makarating sa kanila ang sumbong na mayroong insidente ng illegal fishing gamit ang dinamita sa naturang lugar.

Dahil dito, agad silang rumesponde sa lugar at naaresto ang mga suspek na kinilalang sina alias Jeff, Tata, Richard, B1 at Tropa.

Hindi naman tukoy kung ilang beses nang ginawa ng mga suspek ang illegal na pangingisa.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng nasabing himpilan ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong palglabag sa RA 8550 o The Philippine Fisheries Code of 1998.