Approval ratings ni outgoing Pres. Duterte, nanatiling mataas sa loob ng 6 na taon

Isang araw na lang bago ang pormal na pagbaba sa puwesto ni outgoing President Rodrigo Duterte – iniulat sa isang survey na nanatili umanong mataas ang kanyang approval ratings sa nakalipas na anim na taon.

Ayon sa Pulse Asia, mula Setyembre noong 2016 hanggang sa Marso ngayong taon – palaging mataas ang ratings ni Duterte mula sa publiko.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa pinaka-huli nitong survey nong Marso, 73% ang nakuhang approval rating ng pangulo.

Lumabas sa ulat na laging naglalaro sa higit 70% ang kanyang rating maliban na lamang sa September 2021 survey na bumaba ito sa 64%.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mula Setyembre hanggang Nobyembre naman noong 2020, nanatili ito sa range na 70-90% approval rating.

Ito ay kahit na nararanasan ang kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 at wala pang available na bakuna sa Pilipinas.

Nakuha ni Duterte ang pinaka-mataas na approval sa 91% sa nasabing period.
#