Approval at trust rating ni Pangulong Marcos – maintained; VP Sara bumagsak

Nananatiling mataas ang overall performance rating ng Marcos administration na nasa 51% batay sa pinaka huling survey ng PUBLiCUS Asia Incorporated.

Ayon sa PAHAYAG Second Quarter 2024, napanatili ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang approval rating na 44% at trust rating na 33%.

Gayunpaman, bumaba ang approval ratings nito sa North Central Luzon o NCL na kilalang Baluarte ng Pangulo, mula 52% noong Q1 ay naging 49% sa Q2.

Read More:  Remulla, Paolo Duterte clash over Davao City as flood control ‘epicenter’

Samantala, malaki naman ang ibinaba ng overall rating ni Vice President Sara Duterte, kung saan bumaba ang kanyang approval mula 53% noong Q1 sa 46% sa Q2.

Habang ang kanyang trust rating ay bumaba rin ng limang puntos mula 46% ay naging 41%.
Naitala ang malaking pagbaba sa NCL mula 47% ay naging 38%.

Read More:  President Marcos urges Filipinos to live by heroic values

Maging sa balwarte nito sa Mindanao, bumaba rin ang approval rating ng Bise Presidente mula 75% ay nagging 68%, gayundin ang trust rating nito mula 67% noong Q1 ay nabawasan at naging 65% sa Q2.

Sa kabila nito nananatili naman si VP Sara sa may pinaka mataas na approval at trust rating sa mga opisyal ng pamahalaan.