Hindi na papatulan pa ni Vice President Sara Duterte ang mga nagsasabing siya na raw ang ‘totoong lider ng oposisyon’.
Una na kasing sinabi ni Atty. Harry Roque na si VP Sara na ang opposition leader matapos niyang magbitaw sa Gabinete ng administrasyong Marcos.
Sabi ng Bise Presidente, kung pagbabasehan daw ang kaniyang trabaho, karakter, at prinsipyo – hindi siya kumikilos nang para lang sa adminstrasyon, oposisyon, o para sa pulitika.
Sabi niya, ang kaniya lang pinagseserbisyohan ay ang publiko, para matiyak kung ano ang nararapat para sa kanila.
Maaalalang nag-resign si VP Sara bilang Education Secretary at Vice Chair ng NTF-ELCAC.