DPWH, nakapagsumite na ng mga kinakailangang dokumento sa Senate Committee on Accounts hinggil sa New Senate Building

Natanggap na ng opisina ni Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senador Alan Cayetano ang mga briefers at kinakailang dokumentong hiniling niya sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasunod ito sa napipintong gagawin nilang pagdinig sa Sendo sa darating na Miyerkules hinggil sa New Senate Building.

Read More:  CAAP tightens preparations for Super Typhoon Inday

Una ng sinabi ng senador na layunin ng gagawin nilang pagdinig na bawasan ang mga delay sa ginagawang konstruksyon sa gusali na posibleng resulta ng mga hindi kinakailangan na gastos at kumplikadong detalye tungkol sa mga gastusin.

Read More:  OCD on heightened alert for Super Typhoon Inday

Samantala, alinsunod sa pagtanggap niya ng dokumento ay tiniyak niyang babasahin at pag-aaralan nila ito ng masusi bilang paghahanda sa darating na pagdinig.