KORONADAL CITY – MAGBUBUKAS na ang application para sa regular college degree program ng Kabugwason Paglaum Scholarship and Grant-in Aid Program o KPSGIAP ng provincial government ng South Cotabato para sa School Year 2024-2025.
Ang acceptance ng application ay magsisimula sa June 5 hanggang June 28.
Ayon kay KPSGIAP-OIC Executive Director Atty. Rhonalyn Gallego, na 100 ang slots na bubuksan para sa Batch 20 ng mga new scholars.
Ito ay para sa mga incoming first year college students na residente ng South Cotabato. Para sa listahan ng mga requirements at qualifications at upang makakuha ng application form, makipag-ugnayan lamang sa Kabugwason Office sa 2nd floor ng main capitol building o tumawag sa telepono 228-2631 o sa Facebook Page na Kabugwason Paglaum Scholarship and Grant-in Aid Program.
